WOWOWEE top Dancers Resign | Luningning, Mariposa and Milagring
Luningning, Mariposa and Milagring break silence about resignation from Wowowee.
" Naging laman ng tabloids ang biglaang pagre-resign ng ASF Dancers na sina Luningning, Mariposa, at Milagring noong February 26 sa noontime show ng ABS-CBN na Wowowee.
Puro haka-haka ang mga lumabas na reports tungkol sa dahilan ng kanilang pag-alis sa show ni Willie Revillame. Nandiyang kesyo marami raw ang nakakapansin na nung mga nakaraang buwan ay nawala na ang magandang exposure ng tatlo sa Wowowee. Ramdam din daw ng tatlo na napabayaan na sila at hindi na nila kaya ang sitwasyon.
Pero magmula noon ay walang direktang pahayag mula sa tatlong female dancers. Kaya minabuti ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na kausapin ang sina Luningning, Mariposa, at Milagring upang linawin ang isyung ito.
Naganap ang aming panayam sa kanila kagabi, March 9, sa R. Bistro sa Timog Ave., Quezon City. Magkasosyo sina Mariposa at Luningning sa naturang bar and resto.
CAREER MOVE. Ano nga ba ang dahilan kung bakit sila nag-resign sa Wowowee?
Si Milagring (Annaliza Baldonado sa tunay na buhay) ang unang sumagot. Aniya, "Siyempre po, career move para mag-grow. Siyempre kailangan din po naming kumita ng mas malaki."
Ayon naman kay Luningning (Lea Carla Santos), "Kailangang mag-explore din kami ng iba. 'Yan, nagkakaedad na kami. Ilang taon na kami...kailangan din naming makaipon para sa pangangailangan sa pamilya."
Dagdag ni Mariposa (Rovielyn Cabigquez), "Ganoon din, gusto rin naming mag-move on at mag-grow. Hindi naman habambuhay nandun kami at sumasayaw, di ba?"
Hindi ba sapat ang kinikita nila sa Wowowee kaya kailangan nilang kumita ng mas malaki?
"Hindi po...sapat lang..." matipid na sagot ni Milagring
"Sapat lang sa pangangailangan namin sa araw-araw," sundot ni Mariposa
Pero ayon kay Milagring, "Siyempre, mas kailangan naming magtrabaho nang magtrabaho para dagdag-income, di ba?"
Sabi naman ni Luningning, "Basta sa four years na yun, sobra naman ang naitulong sa amin ng Wowowee, so give chance to others naman." Read More
Jai Ho Luningnig Milagring & Mariposa
0 comments:
Post a Comment